RSS

Tag Archives: alam partylist

ALAM lauds Comelec for allowing absentee voting for media

PARTY-LIST aspirant Alab ng Mamamahayag (ALAM) welcomed the Commission of Elections’ approval of the petition seeking early voting for media workers starting from the 2013 elections in a bid to avoid disenfranchisement over their right to vote come the day of the polls.

In a statement, ALAM national chairman Jerry Yap lauded the COMELEC in its decision, saying that this would resolve the problem of disenfranchisement of more than 200,000 qualified voters from 2,139 media outfits in the country.

COMELEC chairman Sixto Brillantes said the implementing rules and regulations (IRR) will be immediately drafted by the poll body, and that these may be done by the end of the year.

In the decision, the Committee on Local Absentee Voting was directed to draft the rules for the early voting.

The petition for absentee voting was filed on April 15 by lawyer Romulo Macalintal, representing a group of media workers from various organizations.

In a forum last April, media workers told COMELEC Commissioner Rene Sarmiento they are unable to vote every election because of the nature of their work, where they are assigned in areas where they are not registered.

Sarmiento then suggested they file a petition for early voting, which Macalintal obliged to do, since he was at the same event.

Meanwhile, in welcoming the COMELEC’s decision favoring absentee voting for the media, Yap also issued a statement encouraging media practitioners to register for the polls so the effort would not go to waste.

“Ang mahalaga lang dito ay alamin muna natin kung nakapag-register na kayo dahil baka mamaya hindi naman kayo registered voter at dito masasayang ang ating ipinaglaban na makaboto tayo sa darating na eleksyon,” he said.

 

Tags: , , , , , ,

Efforts vs. cybercrime law gave fruit—ALAM Partylist

After the Supreme Court stopped the implementation of Republic Act 101075
EFFORTS to stop the implementation of Republic Act 101075, otherwise known as the Cybercrime Prevention Act of 2012, gave fruit as the Supreme Court finally decided to favor several petitions for a temporary restraining order on the said law.

Several petitions were filed before the High Tribunal along with protest actions by several groups denouncing the inclusion of libel and other provision in R.A. 10175 which according to most are unconstitutional and infringes in the freedom of the press and of expression among other inalienable rights.

Party-list aspirant Alab ng Mamamahayag (ALAM) expressed relief for the reprieve, saying that this could pave the way for much needed amendments in the law.

In an earlier statement, ALAM national chairman Jerry Yap stressed that the inclusion of libel in the R.A. 10175 should be declared null and void because based on the list of crimes punishable under RA 10175, the nature of libel is outside the nature of the enumerated subject crimes under the Cybercrime Law.

“One big disparity between libel and cybercrimes is that the former is committed by means of publication or making it known to the public while the latter is perpetrated by acts that are in nature hidden.

“Acts constituting any of the cybercrimes are done secretly as in stealing password, computer hacking or gaining access into computer systems or data, stealing PIN codes of computer data, banks accounts and other records for profit.

“On the other hand, libel cannot be committed secretly since it has to be made publicly and one element of such a crime is that it has to be publicized through print or broadcast media,” Yap said.

 

Tags: , , , ,

ALAM PARTY-LIST NAKIISA SA PROTESTA VS. CYBERCRIME LAW

Nakiisa ang grupong Alab ng Mamamahayag (ALAM) sa paggamit ng internet at social media upang ipakita ang pagkontra sa Republic Act (RA) 10175 o Cybercrime Prevention Act.

Ayon kay ALAM Chairman Jerry Yap, nakikisa ang lahat halos ng lehitimong mamamahayag sa pagpapalit ng kanilang profile picture sa kulay itim bilang protesta.

Nagbigay naman ng kumento ang karamihan sa mga mamamahayag na nagpapahayag rin ng pagpoprotesta sa cybercrime Law.

Tinawag ito ng mga mamamahayag na ‘Black Tuesday’ bilang araw ng protesta sa kontrobersyal na isyu ng cybercrime Law, kung saan napakarami umanong kwestyunableng punto.

Oktubre 3 ang simula ng pagpapatupad ng RA 10175 ngunit may siyam na petisyon nang nakahain sa Korte Suprema laban dito.

Gayunman, hindi ito natalakay ng mga mahistrado sa en banc session dahil tatlo sa mga justices ang nasa abroad habang absent ang dalawa pa.

Kwestyunable at labag sa konstitusyon ang mga sumusunod na bahagi ng RA 10175:
– Sec. 4 (a)(3), kasama dito ang data ng paggambala, na tinukoy bilang “ang intensyonal o walang ingat pagbabago, damaging, pagtanggal o pagkasira ng mga data sa computer, elektronikong dokumento, o electronic data message, na walang karapatan, kabilang ang pagpapadala ng mga virus, ” sa listahan ng mga cybercrime offenses;
– Sec. 4(b)(3), kasama sa listahan ang mga computer-related na pagnanakaw ng pagkakakilanlan, na tinukoy bilang ang intensyonal na pagkuha, paggamit, maling paggamit, paglilipat, pag-aari, pagbabago o pagtanggal ng pagkilala sa impormasyon;
– Sec. 4(c)(4), pagsasakriminal ng libelo hindi lamang sa internet, kundi sa “anumang iba pang mga katulad na paraan na maaaring gagawin sa hinarap;”
– Sec. 5(a)(b), kinikilala ng iba pang mga pagkakasala na maaaring parusahan sa ilalim ng batas, gaya ng: (a) Aiding o Abetting sa Commission ng Cybercrime, at (b) Paggapang sa Commission ng Cybercrime;
– Sec. 6, na itataas sa pamamagitan ng isang degree na mas mataas ang parusa na ibinigay para sa sa pamamagitan ng Revised Penal Code para sa lahat ng mga krimen na ginawa sa pamamagitan at sa paggamit ng impormasyon at komunikasyon;
– Sec. 7, bukod sa pag-uusig sa ilalim ng batas, ang taong makakasuhan nito ay hindi makalulusot sa kasong paglabag sa Revised Penal Code at iba pang special laws;
– Sec. 12, nagpapahintulot sa tunay na oras na koleksyon ng data ng trapiko;
– Sec. 17, nagpapahintulot sa mga service provider at mga ahensya ng pagpapatupad ng batas sa “ganap na sirain ang computer data subject upang masuri”;
– Sec. 19, nagpapahintulot sa DOJ na harangan ang access sa data ng computer kapag ang naturang data ay maituturing na “prima facie found to be in violation of the provisions of this Act;” at
– Sec. 20, nagpapahayag na ang mga taong nabigo upang sumunod sa mga probisyon ng Chapter IV (Enforcement and Implementation), partikular ang mga utos mula sa ahensya ng pagpapatupad ng batas, ay harapin ng pagkabilanggo ng prision correctional (6 na buwan at 1 araw hanggang 6 na taon) hanggang sa pinakamatagal na panahon o multang P100, 000 o pareho, para sa bawat paglabag.

 

Tags: , , , ,

ALAM’S GOOD PERFORMANCE AT COMELEC HEARING BECKONS LIGHT

By Berteni Cataluña Causing via Facebook
I would like to make this personal statement as the president of Alab ng Mamamahayag (ALAM) that my assessment of how we propounded our cause for the motion for reconsideration that we filed from the Second Division’s denial of ALAM’s partylist application.

I commend ALAM chairman Jerry S. Yap and ALAM secretary general Edwin R. Alcala for performing beyond my expectations as I was presenting them before the Comelec Chair and Commissioners as our evidence-in-chief.

Instead, they lived up to the truth of our cause: HONESTY, CIVILITY, FAIRNESS and JUST.

Mr. Alcala and Mr. Yap survived the acid-test questions for an hour and a half thrown upon them mostly by Chairman Brilliantes.

We clearly pointed out our honesty, fairness and justness when we set out the truth that ALAM has NO EVIDENCE showing that the two commissioners (Lucenito Tagle and Elias Yusoph) were involved in the PhP3,000,000 bribe try on ALAM in exchange for accreditation.

At the end of the hearing, the Commissioners gave us a chance to stack up more evidence of our track record to be submitted in three (3) days.

GOD SAVE TRUE PRESS FREEDOM!

(Views/ Comments expressed in this article do not represent those of Pinoy Sniper. The opinions expressed are his own.)

 

Tags: , , , ,

MARAHAS NA FRAT INITIATIONS DAPAT MAHINTO–ALAM

KINONDENA ng grupong Alab ng Mamamahayag (ALAM) ang pagkamatay ni San Beda Law student Marc Andrei Marcos dahil sa hazing.

Ayon kay ALAM Chairman Jerry Yap, sunud-sunod na ang nagaganap na pagkamatay sa hazing.

Limang buwan pa lamang ang nakalilipas, namatay din si Marvin Reglos, first year law student din ng San Beda College, dahil sa sobrang hirap na dinanas sa hazing ng fraternity.

Nanawagan din si Yap sa mga otoridad na madaliin pagbibigay ng hustisya sa kanila.

Aniya, maituturing itong isang heinous of crimes dahil grabe ang ginagawang pahirap sa mga biktima.

Nanawagan din si Yap sa mga fraternities na hintuan na ang physical violence sa mga bagong kasapi dahil walang nagagawang buti ito sa kanilang mga miyembro.

Sa halip umanong saktan ang mga neophytes, mas makabubuting gamitin sila sa mga community service, medical missions, at re-education sa mahihirap.

Nagtataka naman si ALAM President Berteni Causing kung bakit kailangang may mamatay sa hazing gayong kapatiran ang layunin ng fraternity.

Aniya, naliligaw ang kaisipan ng mga bagong miyembro ng fraternity.

Kung hindi man umano maiwasan ang hazing, dapat umano ay may kasamang fraternity alumni ang mga magsasagawa ng hazing upang i-supervise ang pamamaraan ng pagpaparusa.

Aniya, batay sa Republic Act No. 8049 o anti-hazing law of the Philippines (An act regulating hazing and other forms of initiation rites in fraternities, sororities and organizations providing penalties), krimen ang pagsasagawa ng hazing.

Gayunman, wala umanong napaparusahan sa mga nagsasagawa nito.

Nanawagan din si Causing sa mga opisyal ng gobyerno na miyembro ng mga fraternities na pagsabihan ang kanilang mga miyembrong tapusin na ang walang kwentang pananakit sa mga neophytes.

Partikular na tinukoy ni Causing Department of Justice (DOJ) Secretary Leila De Lima na nagtapos ng abugasya sa San Beda College.

Aniya, ilang ulit nang nagaganap ang patayan sa SBC at dapat na itong magwakas.

Samantala, ililibing na sa Linggo si Marc Andrei Marcos.

Ayon sa tiyahin ni Andrei na si Attorney Marimier Marcos-Rivera, inilalaan nila ang linggong ito sa pagluluksa ngunit kapag nailibing na si Andrei ay tututukan na nila ang kaso.

“Binibigyan lang po namin ng panahon ang aming mga sarili para kay Andrei sa kanyang wake. The soonest that it is done, we will pursue all legal actions available to us,” aniya.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nadala sa De La Salle University Medical Center (UMC) sa Dasmariñas, Cavite si Marc Andrei Linggo ng hapon ngunit mahinang mahina na ito.

Tumangging makipagtulungan sa imbestigasyon ang babaeng nagdala sa biktima sa ospital, habang hindi na nakita ang dalawa pang lalaking kasama nito.

Iniimbestigahan na rin ang tatlong fraternities kabilang ang Lambda Rho Beta, Lex Talionis at Lex Leonom na posibleng sinalihan ni Andrei.

Ayon sa tiyuhin ng biktima na si Atty. Jose Vener Ibarra, puno ng pasa sa katawan ni Andrei, patunay na nakaranas ng matinding bugbog ang kanyang pamangkin.

“Yung arms at legs niya, kulay ube. Yan ang sinasabi ko sa gumawa sa kaniya, kulay ube,” ani Ibarra.

Nakalagak sa bahay ng Pamilya Marcos sa Ramos, Tarlac ang labi ni Marc Andrei.

Si Andrei ay mula sa pamilya ng mga abugado.

Huwes ang lolo ng biktima, habang abogado naman ang karamihan sa mga kaanak nito kaya inaasahang magiging malinaw sa kanila ang mga hakbang para umusad ang kaso.

Si Marc Andrei, 20, first year law student ng San Beda, ay nagtapos ng Legal Management nito lamang Marso sa University of Santo Tomas (UST).

Siya ang ikalawang biktima ng hazing sa San Beda ngayong taon kung saan ang una ay si Marvin Reglos na aplikante na binugbog ng mga miyembro ng Lambda Rho Beta.

 

Tags: , , , , , , , ,

SANGGOL, INA DAPAT IKONSIDERA SA RH BILL—ALAM

HIGIT kaninuman, dapat ikonsidera ng mga mambabatas ang kalagayan ng kababaihan at kanilang mga anak bago bumoto sa Reproductive Health Bill, ito ang pahayag ng grupong Alab ng Mamamahayag (ALAM).

Ayon kay ALAM Chairman Jerry Yap, kalusugan ng kababaihan at kabataan ang dapat na primary concern ng RH Bill dahil sila ang higit na tatamaan nito.

Dahil sa salat na kalagayan pa rin ng mga pampublikong ospital sa bansa, dumarami ang namamatay sa panganganak gayundin ang mga sanggol na namamatay sa sepsis o impeksyon.

Batay sa pag-aaral, 168 hanggang 221 ang sanggol na namamatay sa bansa sa bawat 100,000 panganganak dahil sa kakulangan ng suporta.

Sa pag-aaral naman ng Food and Nutrition Research Institute, tatlo sa bawat 10 batang Filipino na may edad 5 pababa ay kulang sa timbang at taas.

Dahil umano ito sa kakulangan ng pagkain at nutrisyon.
Ani Yap, sa ibang bansa ay isa o dalawang anak na lamang ang pinapayagan.

Halimbawa umano ay sa China, na mayroong one-child-policy, kung saan pinapayagan lamang na magkaroon ng isang anak ang bawat mag-asawa.

Noong 1979, tatlong taon matapos mamatay si Mao Tze Tung, ipinatupad ang one-child policy upang makontrol ang lumalalang paglaki ng populasyon ng China at upang makasapat ang kakatiting na pagkain para kanila.

Sa nasabing polisiya, pinapayagan lamang magkaroon ng isang anak ang bawat mag-asawa.

Kung babae ang magiging anak, papayagan pa silang muling magkaanak, at kung babae pa uli, hanggang doon na lamang magtatapos.

Hanggang ngayon ay ipinatutupad pa rin ito sa China.

Ani Yap, tama ang sinabi ni Pres. Benigno Simeon Aquino III na responsible parenthood ang kailangan ng bansa upang mabawasan ang mga nag-aabandona ng mga anak at nagsasagawa ng abortion.

Ayon naman kay ALAM Pres. Berteni Causing, kung si Pope Benedict XVI nga ay pumapayag sa paggamit ng condom, bakit ito ipagbabawal sa Pilipinas?

Aniya, mas mabuti nang pigilan ang pagbubuntis kesa naman makagawa ng krimen ang mga ina at amang walang maisuporta sa kanilang mga anak.

Ani Causing, kapag nasolusyunan na ang kagutuman, saka pa lamang dapat dagdagan ang populasyon.

Pero sa panahong ito umanong problema ang pagkakaroon ng maayos na trabaho sa bansa, kasabay pa ng palagiang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo at mga pangunahing bilihin, mas kakaunti ang pakakainin, mas magandang kinabukasan ang naghihintay sa mga anak.

 

Tags: , , , , , , ,

‘KUNG WALANG MALI WALANG NEGATIBONG BALITA’—ALAM

Sa pagbatikos ni PNoy sa media
UMALMA ang grupong Alab ng Mamamahayag (ALAM) kaugnay ng akusasyon ni President Benigno Simeon Aquino III na negatibismo ng Filipino media.
Ayon kay ALAM Chairman Jerry Yap, maling tawagin ni PNoy na ‘negative media’ ang mga mamamahayag na Filipino.

Aniya, hindi biased ang mga mamamahayag, bagkus ay isinusulat lamang nila kung ano ang kanilang nakakalap na balita.

“What you see is what you get,” ani Yap. “Kung negatibo ang kanilang nakikita, natural lamang na negatibo ang masusulat. Kung positibo naman ang balita, isinusulat din namin.”

Ani Yap, kung mayroon mang media na puro negatibo ang sinusulat, hindi naman lahat ng diyaryo ay ganoon.

Bukod dito, kung wala umanong ginagawang masama ang mga namumuno ay walang masamang maibabalita ang mga dyaryista.

Nagtataka rin si Yap kung bakit masyadong binibigyang pansin ni PNoy ang negatibong kritisismo ng media sa kanya.

Kung tutuusin umano ay hindi na kailangang isulat ang mga negatibong pangyayari dahil kitang-kita at damang-dama naman ito ng mga tao.

Ipinaalala rin ni Yap kay PNoy na media ang tumulong sa kanya upang makaupo sa puwesto.

Aniya, kung hindi sa mga isinulat ng media tungkol sa katiwalian ng nakaraang administrasyon, at sa pagbibigay ng parangal sa kanyang bayaning amang si Benigno Aquino Jr. at dating presidenteng inang si Corazon C. Aquino, marahil ay hindi siya ang pangulo ng bansa ngayon.

Ani Yap, kahit ano pang ganda ng kanyang speech sa State of the Nation Address (SONA) noong July 23, hindi pa rin kayang itago kung ano ang tunay na kalagayan ng ekonomiya.

Napakarami pa rin umanong Filipino ang isang kahig, isang tuka, at ang iba naman ay kahig nang kahig at wala pa ring matuka.

Media killings, harassments ‘di nabibigyang pansin

Ayon naman kay ALAM President Berteni Causing, suportado ng media si PNoy kahit wala pa ring nangyayari sa mga ipinangako niyang paglutas sa media killings at mga harassment.

Ngunit pinanghahawakan umano ng media ang ipinangakong ‘Tuwid na Landas’ ni PNoy na sa tingin nila ay nalilihis.

Kung naiirita umano siya sa mga negatibong nasusulat, pakilusin niya ang PR office ng Malakanyang upang pabanguhin ang kanyang pangalan.

Sila umano ang may trabaho nito at hindi ng media.

Sa halip umanong tuligsain niya ang media sa pagkakaroon ng tinatawag niyang responsible journalism, unahin muna ng pangulo ang mga isyu ng tumataas na bilang na pagkitil sa kalayaan ng pamamahayag at kalayaang pantao at pagsasabatas sa Freedom of Information Bill.

“Wala pang naibibigay ang Presidente sa mga mamamahayag,” ani Causing. “Tayo ang nag-upo sa kanya sa posisyon pero tayo pa rin ang binabatikos niya. Ganyan pala siya tumanaw ng utang na loob.”

 

Tags: , , , , , , , , ,

Don’t compare Lolong with politicians, says ALAM

ALAB ng Mamamahayag (ALAM) and Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Ramon Paje called attention of the public not no compare “Lolong”, world’s largest living crocodile in captivity, to greedy politicians.

Alam Chairman Jerry Yap said crocodiles are not exactly greedy.

They could afford not to eat for one month and would still survive.

“Lolong”, the crocodile captured in the municipality of Bunawan, Agusan del Sur is now proclaimed as the world’s largest living crocodile in captivity.

Bunawan Mayor Edwin Elorde said “Lolong” is a saltwater crocodile now confined in a pen in Bunawan Eco-Park and Research Center in Brgy. Consuelo.

He was captured in September last year at Magsagangsang River in Bunawan, following his attack of livestock and the reported killing of a Rowena Romano, 12, in Lake Mihaba in 2009.

“Nakakahiya naman kay Lolong kung maikukumpara siya sa mga swapang, Yap averts referring to some greedy politicians.

He added that DENR’s decision to consider “Lolong” as an “ambassador” for the country’s crocodile conservation program is a good idea, saying that crocodiles should not be hunted simply for their meat or their skin.

The DENR maintains several crocodile farms that breed them specifically for the purpose of conserving them.

He said crocodiles in the wild help maintain the natural web of life between predators and their prey.

ALAM supports the preservation of flora and fauna in the country.

DENR said a team from the National Geographic channel, led by crocodile specialist Dr. Adam Britton, measured the crocodile in November to confirm its total body length of 6.17 meters or 20.24 feet.

The previous largest crocodile on record was “Cassius Clay”, measuring 5.48 meters or 17.97 feet long and captured in Australia.

There are two types of crocodiles found throughout the country, namely the endemic Philippine freshwater crocodile (Crocodylus mindorensis), which is considered the world’s most endangered crocodile species, and the saltwater crocodile (Crocodylus porosus).

Loss of habitat and indiscriminate hunting are threatening the existence of both species.

 

Tags: , , , , ,

‘Filipinos want improvements, not promises’

ALAM on Pnoy’s SONA
SANA ay hindi maraming papogi lamang ang laman ng speech ni Pres. Benigno Simeon Aquino III sa Batasan.

Ito ang pahayag ni Alab ng Mamamahayag (ALAM) Chairman Jerry Yap.
Ani Yap, mas dapat na inalam muna ng pangulo kung anong klaseng pamumuhay meron ang mga Pilipino sa ngayon.

Dapat umanong alamin niya kung nabibigyan ba ang mga Pinoy ng maayos na trabaho,medical care o kung maayos ba ang kanilang kabuhayan.

Ani Yap, kahit minimum lang ang sahod ng mga manggagawa at kahit hindi maibigay ang hinihinging dagdag-sahod, dapat umanong bigyan ng prayoridad ang kalusugan nila.

Aniya, seguridad ng pamilyang Pilipino ang pinakamahalagang dapat talakayin sa State of the Nation Address (SONA) ni PNoy.

Dapat umanong siguruhing may pagkain sa hapag ang bawat pamilya, nakapag-aaral ang kanilang mga anak, nakatira sila sa maayos na tahanan, may maayos na trabaho, at maayos na benepisyo ng mga goverment employees.

Dapat din umanong kwestyunin ang walang habas na pagtaas ng singil sa kuryernte at tubig.

Aniya, mula nang maisapribado ang pamamahala sa tubig at kuryente ay wala nang nagawa ang gobyerno upang protektahan ang mga mamamayan.

Idinagdag pa ni Yap na kung tutuusin ay basic needs lang naman ang dapat tutukan ng pangulo, dahil kung maayos ito ay maituturing na siyang mahusay na pinuno.

Ayon naman kay ALAM President Berteni Causing, walang dapat ipagmalaki ngayon ang Malacañang na nagawa ng Aquino administration sa loob ng dalawang taon.

Kung sa paghahabol umano ng BIR sa mga tax evaders para mapalaki ang koleksyon sa buwis, mas dapat umano nilang ipaliwanag kung saan napunta ang mga nakolekta.

Malaking kalokohan umanong ginagamit ito para pondohan ang mga social services tulad ng conditional cash transfer (CCT) sa mga mahihirap dahil tinuturuan lamang sila ng Palasyo ng katamaran.

Kahit umano ang pinalawak na coverage ng PhilHealth kung saan wala ng babayaran ang miyembrong pasyente kapag nagpagamot sa government hospital ay hindi kapani-paniwala, dahil ngayon pa lamang ay hindi na sila makabayad sa mga pinagkakautangang ospital.

Ani Causing, bigo pa rin si PNoy na mapaangat ang kabuhayan ng mga mahihirap kahit pa sinasabi nilang tumaas na ang ating GNP.

Wala pa rin umanong hustisya at kalutasan ang mga kaso ng media killings sa ating bansa.
Samantala, kapwa natuwa sina Yap at Causing sa pagbalewala ng pangulo sa matunog na pagbuhay sa Charter change (Cha-cha).

Anila, mas maraming problemang dapat pagtuunan ng pansin kesa cha-cha at una na nga rito ang problema sa pamumuhay ngayon ng taumbayan.

 

 
Leave a comment

Posted by on July 22, 2012 in Uncategorized

 

Tags: , , , , , ,

DOLPHY DESERVES NAT’L AWARD—MEDIA GROUP

ITINUTURING na National Artist ng sambayanang Filipino si Comedy King Rodolfo ‘Dolphy’ Quizon kahit hindi ito naigawad sa kanya, ito ang pahayag ni Alab ng Mamamahayag (ALAM) Chairman Jerry Yap.

Ani Yap, sa puso ng mga mamamahayag at sa lahat ng mga Filipino ay kinikilala si Dolphy na Hari ng Komedya sa bansa at hindi na iyon mawawala.

Aniya, hindi lamang ang media ang nakikiramay sa mga kaanak ni Dolphy na ang labi ay nakalagak ngayon sa Heritage Park sa Taguig City, kundi ang lahat ng Pinoy na nakapanood ng kanyang pelikula.

Sinabi pa ng dating pangulo ng National Press Club (NPC) na ibigay man o hindi kay Dolphy ang National Artist award ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) ay nakatatak na siya sa puso ng mga Filipino.

Sa burol ni Dolphy, madaling araw pa lamang kahapon ay pumila na ang mga tagasuporta upang makapasok dakong 8:00 am.

Nagtagal ang public viewing hanggang alas-3:00 ng hapon, ngunit pwede pa ring makita si Dolphy hanggang Sabado.

Ayon sa pamilya ng Comedy King, sa Heritage lamang mananatili ang labi ni Dolphy at posibleng sa Linggo na ito ililibing.

Samantala, nagbigay na ng go-signal ang Office of the Solicitor General (OSG) sa NCCA na magsagawa na ng selection process para sa susunod na batch ng National Artists dahil sa kahilingan ng nakararaming igawad na ang nasabing award kay Dolphy.

Matatandaang binigyan ng Korte Suprema ng temporary restraining order ang NCCA noong 2009 dahil sa kontrobersyal na pagbibigay ng award kay film director at comics illustrator Carlo J. Caparas at iba pa.

Nominado rin si Dolphy noong 2009 ngunit hindi umano ito nakaabot sa final list.

Namatay si Dolphy noong Martes ng gabi dahil sa multiple organ failure sa edad na 83.

Handa naman ang NCCA na igawad agad kay Dolphy ang Dangal ng Haraya Lifetime Achievement Award sa pangunguna ni NCCA chairman Felipe de Leon Jr.

Ito ang pinakamataas na award na maaaring igawad ng NCCA sa isang artista, ginagawa tuwing Pebrero.

Mamadaliin umano nila screening process ngunit inamin niyang hindi siguradong maigagawad kay Dolphy ang award kahit pa malaki ang posibilidad na mapili nga ito.

Gayunman, sinabi ni Yap na si Da King Fernando Poe Jr., pa lamang ang tanging artista sa pelikulang Pilipino na nakakuha ng posthumous National Artist award, dahil mukhang may diskriminasyon sa screening.

Isa umano sa mga dahilan kaya hindi nanalo si Caparas ay ang nasabing diskriminasyon.

Ngunit maituturing umanong national treasure si Dolphy dahil sa nai-contribute nito sa pelikulang Filipino kaya dapat lamang sa kanya ang nasabing award.

 

Tags: , , , , , , , , , ,

 
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 61 other followers