RSS

Tag Archives: philippine sex stories

$250K ITINAPAL NI MICHAEL JORDAN SA KABIT PARA MANAHIMIK

ILANG beses nang nadawit si legendary basketball player Michael Jordan sa iba’t ibang iskandalo at ang pinakamatindi rito ay ang pagkubli niya nang matagal sa relasyon niya sa ibang babae.

Si Jordan ay kasal kay Juanita Vanoy noong 1989 at nagbunga ng dalawang batang lalaki ang kanilang pagmamahalan.

Subalit  habang magkasama sila ni Vanoy ay nakipagrelasyon naman umano si Jordan kay Karla Knafel.

Katunayan, para maitago ang kanyang pagiging kaliwete ay nagbayad siya ng $250,000.

Hangad daw kasi ni Jordan na maitago ang relasyon niya kay Knafel habambuhay kaya binayaran niya kapalit ng pananahimik ng kanyang kulasisi.

Gayunman, si Vanoy ay naghain ng divorce case noong 2002 at nakakuha pa ng $168 million kung saan naitala ito bilang pinakamahal na celebrity divorce sa public record.

Ang tanging binanggit ng misis ni Jordan ay mayroon lamang umano silang “irreconcilable differences” ng nabanggit na game icon.

Hindi lamang umano si Knafel ang naging babae ni Jordan dahil marami pa umanong iba subalit kapwa niya binayaran ang mga ito.

Ngunit sa kabila ng marital improprieties niya, nananatili pa rin si Jordan bilang role model at sports icon sa milyun-milyong fans sa mundo.

Kaya nga para sa mga kaliwete: “Pagdating sa bedroom, gayahin n’yo na lang si Mike!”

 
Leave a comment

Posted by on April 27, 2011 in Uncategorized

 

Tags: , , , , , , ,

 
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 59 other followers